Kamusta ka?

“KAMUSTA KA?”

TANONG MULA SA ISANG KAIBIGANG KAYTAGAL HINDI NAKITA

“KAMUSTA KA?”

TANONG MULA SA ISANG ESTRANGHERONG NAGNANAIS KANG MAKILALA

“KAMUSTA KA?”

TANONG MULA SA ISANG KAIBIGAN NA NAG-AALALA SA IYONG KALAGAYAN.

“KAMUSTA KA?”

TANONG MULA SA IYONG SARILING HANGGANG NGAYON AY HINDI ALAM KUNG KAILAN MAGIGING MAAYOS ANG LAHAT SA BUHAY MO.

“KAMUSTA NA NGA BA TALAGA AKO?”

“KAMUSTA NA ANG BUHAY KO?”

“KAMUSTA KA NA?”

MAY NAGBAGO NA BA SA’YO?

NAKAMIT MO NA BA ANG MGA PANGARAP MO?

TAPOS KA NA BA MAGKOLEHIYO?

“KAMUSTA KA?”

ANONG NANGYAYARI SAYO?

BAKIT TILA NAWAWALA KA SA WISYO?

KAMUSTA KA? AYOS KA LANG BA?

“KAMUSTA KA?”

MASAYA KA BA?

“KAMUSTA KA?”

 

 

 

 

SANA, MAGING MAAYOS NA MULI AKO.

Advertisements

Dinggin

“Ayaw ko na. Tama na. Tigil na.”

Mga katagang paulit-ulit kong sinasambit

Mga bagay na nais ko ng makamit

 

“Hirap na Hirap na ako. Pagod na ako. Hindi ko na kaya.”

Sa mata ng iba, aking landas na tinatahak ay madali

Lingid sa kanilang kaalaman ang bawat hikbi sa aking mga gabi

Pusong pumapalahaw na nawa’y lahat ng sakit ay tuluyan ng mapawi

 

“May pag-asa pa ba? May darating pa ba? May nakakaalam ba?”

Bagamat Sakit ay pilit paring tinatago sa liblib

Hinagpis ng damdamin ay tuloy sa pagliyab

Sa araw-araw ito’y bumabagabag

 

“Nais ko lamang gumaling. Nais ko lamang mawala ang karamdamang ito. Nais ko lamang mawala ang karamdamang unti-unting pinapaikli ang oras ng pagtibok ng aking puso”